Ekonomiya, walang problema… Malakanyang, sinupalpal si VP Leni

Ekonomiya, walang problema… Malakanyang, sinupalpal si VP Leni

July 12, 2018 @ 4:40 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Sinupalpal ng Malakanyang si Vice-President Leni Robredo nang tila payuhan nito si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na lutasin ang problema sa ekonomiya sa halip na insultuhin siya at ang kanyang liderato.

Ipinamukha ni Presidential spokesperson Harry Roque kay VP Leni na walang problema sa ekonomiya ang bansa.

Sa katunayan nga aniya ay nakapagtala pa ang Pilipinas bilang “second  fastest growing economy” sa buong mundo.

“Madame Vice President, wala pong problema ang ekonomiya,” ani Sec. Roque.

Kung mayroon man aniyang problema ang ekonomiya ay maliit na porsiyento lamang dahil mataas ang inflation sa bansa bunsod ng pagtaas ng presyo ng krudo, bigas at napakadaming salapi ngayon na umiikot dahil nga sa buwis na hindi na binabayaran, tuition na hindi na binabayaran at  pondo na nilalabas ng pamahalaan dahil sa build, build, build.

“Level optimism is all time high, manufacturing output is all time high,” anito.

Bukod dito, humihina aniya ang piso dahil sa build, build, build.

Napakarami aniyang inaangkat ng gobyerno para sa mga proyektong ginagawa nito at karamihan talaga aniya ay imported items.

“Iyon po iyong dahilan kung bakit bumababa ang presyo ng piso. Pero otherwise, all economies in the world po, will agree that we are a darling economy. There are challenges, itong trade war po ng US and China, kahit papaano magkakaroon ng epekto sa atin. Pero wala naman pong direktang epekto at nakakuha nga po ako ng statement sa DTI para sabihin na minimal naman ang epekto nito. Bagaman at dahil magkakaroon ng general slowdown siguro sa ekonomiya ng mundo, kahit papaano eh maapektuhan tayo, pero kampante tayo na because ang istratehiya natin ay build, build, build using the national budget to  steer the economy and we will continue  with the tremendous  economic gains,” lahad nito.

Sa kabilang dako, hindi pangi-insulto kundi pagbibigay-diin lamang at objective assessment sa isang tao ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na walang kakayahan si VP Leni na mamuno sa bansa.

Si Pangulong Duterte ay may 40 na taon na sa panunungkulan sa gobyerno kung saan 30 taon sa elective position at 10 taon naman bilang public prosecutor.

Batid aniya niya na nasaktan si VP Leni sa rason ng Pangulo na “incompetence” kaya’t hindi niya ipagkakatiwala ang kanyang posisyon dito sakali at bumaba siya sa puwesto at hindi na tapusin ang kanyang termino.

“So, it’s the assessment of a person who served government for about 40 years. Maybe we should look into the merits of what he said, especially since, alam naman nating lahat na experience ni Vice President is three years as a Congresswoman, and two years as a Vice President. So, no – wala naman pong malisya doon sa assessment. It’s just a frank, honest, objective assessment of the President. Otherwise po, hindi na niya hihingin na iyong transition leader should be elected, if he feels that the country will be safe in the hands of the Vice President. So iyon lang po iyon, it’s an honest assessment,” ayon kay Sec. Roque. (Kris Jose)