Eksena ni Tita Cory at mga madre sa Maid in Malacanang, pinag-uusapan!

Eksena ni Tita Cory at mga madre sa Maid in Malacanang, pinag-uusapan!

July 30, 2022 @ 11:34 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Star-studded ang much awaited red carpet premiere night ng controversial movie na Maid in Malacanang ni direk Darryl Yap. Naganap ang celebrated event sa SM The Block, July 29 nang gabi, kung saan present sina Cesar Montano, Ruffa Guttierez, Cristine Reyes, Ella Cruz at Diego Loyzaga. Present din ang mga gumanap na maid na sina Elizabeth Oropesa, Karla Estrada at Beverly Salviejo.

Of course, panghuling tinawag ang creative producer ng movie, si senator Imee Marcos, kasabay ang mga producers ng pelikula na sina Boss Vic at Bincent del Rosario.

Lahat ng mga cast ay in character na nang tumapak sa red carpet hanggang sa nakarating sila sa cinema.

Take note dahil sa tatlong sinehan inilabas ang pelikula nang sabay-sabay kung saan pinuntahan pa ito ng lahat ng mga artista.

Tama ang sinabj ni direk Darryl na family drama ang theme ng pelikula. Emosyonal kasi ang mga eksena lalo na sa sagutan ng mag-amang dating Pres. Ferdinand Marcos at Imee. Nagkaroon din ng maraming iyakan dahil nai-highlight sa pelikula ang madamdaming tagpo ng paghihiwalay ng pamilya Marcos sa kanilang mga kasambahay at iba pang tauhan sa loob ng palasyo.

Nag-alala lang ang mga moviegoers dahil sa huling eksena ay ipinakitang tinawagan ng isang boses Amerikano si former president Cory Aquino at inireport sa kanya na maysakit si Apo.

Ilang beses tinanong ni Tita Cory sa pelikula, ‘if he is dying.’ Ngunit nang sinabi ng kausap niya sa kabillang linya na hindi pa mamatay si Marcos ay biglang inutos ni Aquino na dalhin lahat sila sa Amerika.

Ang eksenang ito ay kinontra na ng official website ni Kris Aquino. Ngunit sigurado raw na mas lalong lalaki ang apoy ng kontrobersiya dahil nang ibinaba ni Tita Cory ang telepono sa pelikula, ay bumalik ito sa mahjong table at ipinagpatuloy ang kanyang paglalaro kasama ang tatlong madre.

Sa sinehan pa lang ay usap-usapan na ito ng mga nakapanood.

Ang papel ni Tita Cory ay ginampanan ni Giselle Sanchez. Ipapalabas na rin ang Maid in Malacanang in cinema sa August 3, kasabay ang pelikulang tungkol sa martial law, ang Katips, at ang Hollywood movie ni Brad Pitt na Bullet Train. JP Ignacio