Eksperto may babala sa paggamit ng antibiotics

Eksperto may babala sa paggamit ng antibiotics

January 21, 2022 @ 12:22 PM 4 months ago


Manila, Philippines – Nagbabala ang infectious diseases expert sa publiko sa paggamit ng antibiotic laban sa COVID-19, batay sa ulat.

“In fact, hindi prescription ng doctor, ano. Sarili nang bumibili sila. Marami pa ring botika ngayon ang nagbibigay ng antibiotic without doctor’s prescription,” ani Dr. Rontegene Solante sa ABS-CBN’s TeleRadyo.

Iligal aniya ito ngunit marami pa ring Pilipino ang bumibili ng mga antibiotic bilang lunas sa COVID.

“I think it’s not remote na may ganoon pa rin.”

Sa iisang panayam, inamin ni Imus, Cavite Mayor Emmanuel Maliksi na namamahagi sila ng COVID-19 kits na may kasamang antibiotics.

“Ina-ano po muna namin ‘yung conditions ng pasyente at kina-classify po natin sila,” paliwanag nito.

Dinepensa ni Solante na hindi pa malinaw kung epektibo ang antibiotics laban sa coronavirus.

“Kapag COVID kit, dapat walang antibiotic ‘yan dahil viral ang tinitira natin, ginagamot natin, hindi bacteria. If you give an antibiotic with a viral infection, that antibiotic might also cause eradication of the bystander organism sa katawan natin, ano.”

“And maging epekto niyan, pwedeng maging resistant ka ‘pag meron ka nang totoong bacterial infection,” dagdag pa nito.

“As a result of drug resistance, antibiotics and other antimicrobial medicines become ineffective and infections become increasingly difficult or impossible to treat.” RNT/FGDC