Eksperto may komento sa tanggal-kwarantin ng bakunadong dayuhan

Eksperto may komento sa tanggal-kwarantin ng bakunadong dayuhan

January 31, 2022 @ 8:51 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Tinimbang ng isang infectious disease expert ang kautusan ng gobyerno na lusawin na ang kwarantin para sa mga dayuhan at balikbayan na fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Sinabi ni infectious disease expert Dr. Rontgene Solante na may positibo at negatibong epekto ang tinanggal na facility-based quarantine sa mga nasabing byaherong papasok na Pilipinas sa gitna pa rin ng patuloy na pandemya.

Giit niya na mababa pa rin ang vaccination rate sa bansa, na nangangalugang nasa balag na alanganin pa rin ang mga hindi bakunado at posible pa rin ang pagtaas ng kaso ng COVID.

“So nandu’n pa rin ang pangangamba na ‘yung mga unvaccinated, puwede pang mahawaan at puwede pa ring mag-develop ng maraming kaso,” paliwanag niya.

Sa kabilang banda, sinabi ni Solante na dahil sa nasabing hakbang mabubuhay namang muli ang ekonomiya ng bansa.

Sa Pebrero 1 na magsisimula ang hindi na pagpapatupad ng kwarantin sa mga kumpletong bakunado na babyahe papasok ng Pinas. RNT