Eksperto nagbabala vs self-testing ng COVID antibodies

Eksperto nagbabala vs self-testing ng COVID antibodies

June 2, 2021 @ 5:39 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Nagbabala ang mga eksperto sa publiko sa pag-test ng sarili sa coronavirus disease (COVID 19) antibodies.

“Individually, we do not recommend antibody tests. We have to be careful with the choice of the antibody test,” ani Dr. Regina Berba, project leader ng pag-aaral sa epekto ng COVID vaccine sa isang briefing para sa House Committee on Health.

“Kahit magkaroon ng zero (antibodies), iyong iba diyan ay poor responders sa two weeks, there are individuals whose antibodies are detected a little later than what you could measure,” paliwanag naman ni Dr. Nina Gloriani, head ng Vaccine Development Expert Panel ng Department of Science and Technology.

Ang paalala ng mga eksperto ay matapos isiwalat ni Quezon 4th District Rep. Angelina Tan, chairperson ng health panel na sumailalim sa antibody test kasama ang kanyang asawa na nakatanggap ng parehas na brand ng COVID vaccine.

Ayon sa mambabatas, nagpositibo ang asawa nito na si Public Works and Highways Regional Director Ronnel Tan sa antibody test habang negatibo naman sa kanya.

Giit ni Gloriani na huwag mag-antibody test kung hindi marunong bumasa ng resulta nito.

Anila maaaring makaapekto ang resulta ng antibody test sa kumpiyansa ng tao sa bakuna.

Para naman kay Iloilo Rep. Janette Garin, mananatiling problema ng bansa ang kumpiyansa sa COVID vaccine kahit turuan ang publiko sa paggamit at epekto ng antibody test. RNT/ELM