Eksperto sa ‘Centaurus’ sub-variant: Gawa-gawa lang ‘yan ng media

Eksperto sa ‘Centaurus’ sub-variant: Gawa-gawa lang ‘yan ng media

August 8, 2022 @ 6:02 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni  infectious diseases expert Dr. Edsel Salvana na hindi dapat mangamba ang puliko sa “Centaurus” subvariant dahil pinalalala lamang ito ng meida.

Iginiit ni Salvana nitong Lunes na ang “scientific and sensationalized news” ukol sa Centaurus — o ang BA.2.75 variant — ay nagdudulot ng pangamba sa mga tao.

“Itong Centaurus, gawa-gawa lang ‘yan ng media so walang kinalaman ‘yan.  So it really shows na meron talagang mix ng sensationalism at scientific naman ‘yong iba, sa mga nakikita natin ‘pag sinasabi nila ‘yong 2.75 or Centaurus.  We have to be very careful,” pahayag ni Salvana.

“Of course ‘yong knowledge na patuloy ang pag-mutate ng COVID, but at the same time, hindi po talaga tayo dapat magpanic sa bawat bagong iteration nitong Omicron, important (is) to continue monitor closely, but don’t panic (kasi) sa ngayon wala namang ebidensya na it’s taking over,” dagdag niya.

Iginiit din ng infectious diseases expert also na iba ang media name ng Centaurus’mula sa  designation ng variants of concern ng WHO. Ang Centaurus, ayon kay Salvana, ay pangalan ng galaxy, habang ang mga variant ay inihango sa mga letra sa Greek alphabet.

Nilinaw niya na ang BA.2.75 ay hindi isang variant of concern at hindi mula sa Omicron lineage, kahit na posible itong makapasok sa bansa.

“Itong variants papasok at papasok talaga ‘yan because it’s really the nature of the virus, na it spreads, it mutates.  Itong 2.75 mukhang merong increased transmission although the studies are ongoing […] hindi pa siya considered na panibagong variant of concern,” sabi ni Salvana.

“In fact ‘yong pangalan nga medyo weird eh, ‘yong tinatawag na ‘Centaurus’, it’s named after a galaxy na sinasabi lang sa isang (forum).  No scientific anything behind Centaurus hindi katulad no’ng sa Omicron, sa Delta, these are based on the Greek alphabet,” patuloy niya.

Inihayag din ni Salvana na ang pinakamainam na paraan upang tugunan ang variant ay patuloy na magsuot ng face masks at extensive vaccine coverage, dahil bumababa umano ang panganib ng malalang COVID-19 sa dalawang health measures na ito.

“Nandyan ‘yan at we will monitor, but as far as the we’re concerned, ‘yong ginagamit nating mga bakuna ay mabisa naman sa pag-prevent ng severe COVID, at kailangan pa rin natin mag-mask para mas mababa ‘yong risk na ma-transmit natin sa isa’t isa,” aniya.

“Wala namang ebidensyang it’s different from other Omicron variants at this time.  Pero alam ko rin ‘yong mga bakuna, people who were vaccinated and boosted, mas mababa talaga ‘yong risk ng severe disease — just like all the other Omicron subvariants,” dagdag pa ni Salvana. RNT/SA