Eksperto sa COVID situation: Good time to downgrade sa Alert Level 1

Eksperto sa COVID situation: Good time to downgrade sa Alert Level 1

February 21, 2022 @ 5:07 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni Vaccine Expert Panel (VEP) member Dr. Rontgene Solante na “it’s a good time” na para ibaba na sa Alert Level 1 o ikasa na ang “new normal” para sa coronavirus disease (COVID-19).

“Well, at this point, mukhang medyo kaya na nating ibaba to Alert Level 1 pero ganun pa rin, we still need to emphasize na pagbaba ng Alert Level 1, hindi ibig sabihin na we have to take everything parang normal na,” ayon kay Solante.

Sinabi rin ni Solante, sa tingin niya ay nag-i-improve ang trend lalo na sa daily cases na mayroon ang bansa.

“I think it’s a good time to really downgrade the alert level,” aniya pa.

Araw ng Linggo, Pebrero 20, nakapagtala ang bansa ng lowest single-day tally dahil nakapagtala ito ng 1,712 bagong coronavirus infections.

“But, again, ang panawagan natin dito (our appeal here) is we should not be taking out our mask and we should still remember the importance of physical distance and ventilation in enclosed spaces,” ayon kay Solante.

Ani Solante ang mababang kaso ng coronavirus infections ay dahil sa COVID-19 vaccination efforts sa bansa.

“Malaking bagay ang vaccination natin. Tumaas na yung vaccination rate natin at marami na ring nagpabooster especially sa vulnerable population makikita naman natin ngayon na sa mga hospital bumababa na talaga ang mga kaso. Kung meron man naadmit most of them are still the unvaccinated population,” aniya pa rin.

Sinabi pa ni Solante, isa rin aniya sa matagumpay na kuwento sa Pilipinas ay ang public’s behavior pagdating sa pagsunod sa minimum public health standards gaya ng pagsusuot ng face masks kumpara sa ibang bansa na nakatulong talaga upang lumiit ang bilang ng bagong infections.

Sa fourth quarter ng taong kasalukuyan, umaasa si Solante na wala ng kaso at hindi na magiging mandato ang paggamit ng face mask subalit binanggit ni Solante na ang pokus ay dapat sa kung ano ang nangyayari ngayon.

“We should still be careful, especially sa mga those may mga sintomas , you have to do the tests. You have to isolate and at the same time, ang pagsusuot ng masks , especially sa mga areas na wala nang limit sa mga papasok, napaka-importante ang mga health protocols,” ang pahayag ni Solante. Kris Jose