Eksperto sa pagbaba pa ng Alert Level sa NCR: Too early, too drastic

Eksperto sa pagbaba pa ng Alert Level sa NCR: Too early, too drastic

February 7, 2022 @ 7:19 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Iginiit ng eksperto na  “too early and too drastic” sa Metro Manila na ibaba sa Alert Level 1.

Ayon kay Dr. Rontgene Solante, head ng Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine unit ng San Lazaro Hospital. dapat tutukan kung bababa ang kaso sa loob ng dalawa pang linggo.

“In my opinion, siguro we still need to stay in the Alert Level 2. It’s too early and I think it’s too drastic to change to a lower alert level like 1.”

“Remember, mataas pa rin ang mga kasong nakikita natin. M2ataas pa rin ang hawaan. And we need to be vigilant about these numbers,” dagdag ni Solante.

Maaalalang nasa ilalim ng Alert Level 2 ang Metro Manila mula Pebreo 1 hanggang Pebrer 15.  RNT/FGDC