Eksperto sa publiko: Magpaturok ng booster vs posibleng COVID surge

Eksperto sa publiko: Magpaturok ng booster vs posibleng COVID surge

March 21, 2022 @ 2:15 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Hinihikayat ang publiko na magpaturok ng coronavirus disease (COVID-19) booster shot upang mapigilan ang posibleng surge sa mga kaso, ayon sa infectious disease specialist nitong Lunes.

Ang muling pagsirit ng mga kaso “is aways a possibility,” ani Dr. Edsel Salvana, miyembro ng technical advisory group ng Department of Health.

“Ang COVID naman surprises ang pinakita sa ‘tin. Important na gamitin pa rin natin yung mga tools na alam nating gumagana para masugpo ang COVID-19. Lalong lalo na sa di pa nagpapa-boost at 3 months na (after), you’re above 18 years old magpa-boost na po tayo,” aniya sa isang televised public briefing.

“We have tools which we have turned COVID almost an endemic virus. Kung mapapagpatuloy pa natin to, wala na pong bagong variant na lumabas tuloy-tuloy na po yan towards endemicity,” ayon pa kay Salvana. 

“The best pa rin is hindi tayo mahawa at magpa-vaccinate pa rin,” giit pa niya. RNT/SA