EKSTENSYON NG “LEAVES AND ISOLATION PAY” OPTIONAL, AYON SA DOLE

EKSTENSYON NG “LEAVES AND ISOLATION PAY” OPTIONAL, AYON SA DOLE

January 20, 2022 @ 5:55 PM 9 months ago


NILINAW ni Department of Labor and Employment secretary Silvestre Bello III na ang inilabas na Labor Advisory No. 2022-01 kamakailan ay hindi sapilitang o mandatory ang pag-uutos sa mga negosyo na magbigay ng “isolation and quarantine leaves” sa kanilang mga manggagawa kundi opsyunal lamang at para sa mga malalaking pribadong kumpanya.

 

Paliwanag ng kalihim, nag-ugat ito ng kanyang mapag-alaman na ang BDO Unibank, Incorporated, ay nagkaloob ng additional leave credits sa kanyang mga empleyado dahil sa mahabang nagugugol sa quarantine and isolation para sa mga may COVID-19 at sa mg ana-exposed.

 

Nagbibigay paalala lamang umano ang DOLE na kung sakaling maubos na ng isang manggagawa ang kanyang leave credits ay baka naman madagdagan ito ng kanyang employer dahil matapos ang leave credits ay wala na siyang susuwelduhin pa.

 

Sa panahon ng pandemic, maraming kompanya ay nagsasaraduhan na, ‘yun iba nalulugi pero umaasa na babangon muli ang ekonomiya.

 

Hindi mo masisi na maraming employer ang nag react o nagalit sa inilabas na Labor Advisory No. 2022-01, dahil hindi naman sila exempted sa pagbayad ng monthly rental kung nasa alert 3 or 4. 

 

Kinakailangang nila bayaran ang mga sahod ng kanilang manggagawa kahit walang customers o kaya kakaunting taong lamang ang bumibili sa loob ng isang araw.

 

Sa mga restaurant at sa mga salon, mula January 3 hanggang sa kasalukuyang, wala na rin customers ang pumapasok dahil sa takot nila mahawaan ng Omicron virus.  

 

Malinaw din na ang direktiba ay hindi saklaw ang mga “onsite, no work, no pay” na mga kumpanya.

 

Alam naman ng DOLE na hindi ito kayang maibigay ng mga micro, cottage, small and medium enterprises.                                                    

-ooOoo-

 

BAGONG OWWA DEPUTY EXECUTIVE DIRECTOR

 

Pinangasiwaan ni Labor Secretary Silvestre Bello III (kaliwa) ang panunumpa sa bagong itinalagang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Executive Director V (Deputy Administrator) Ryan Vincent Lacierda Uy (kanan) noon g anuary 18 sa DOLE Central Office sa Intramuros, Bago ang kanyang appointment sa OWWA, si Lacierda Uy ay nagtatrabaho bilang Assistant Secretary sa Presidential Communications Operations Office Assistant Secretary. (Photo by Jerome G. Sajise DOLE/IPS)