El Nido, Palawan, nasa state of calamity na

El Nido, Palawan, nasa state of calamity na

July 29, 2018 @ 3:21 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Isinailalim na sa state of calamity ang munisipalidad ng El Nido, Palawan matapos ang tuloy-tuloy na pag-ulan sa lugar.

Ayon sa Philippine Information Agency – MIMAROPA ngayong Linggo (July 29), dahil sa pagbaha, lumikas na ang ilang mga residente ng Villa Libertad, Bucana, Masagana, New Ibajay, at Aberawan.

Nagdulot ng pagbaha sa lugar ang tuloy-tuloy na pag-ulan na dulot ng habagat na pinalakas ng bagyo.

Ipinakita rin ng netizen na si Dave Dela Torre Distal sa kaniyang Facebook post ang litrato ng baha at isinagawang rescue ops sa mga apektadong residente sa Barangay Villa Libertad sa El Nido ng 405th Philippine Coast Guard Auxiliary and the Turtle Divers group. Remate News Team