ELCAC, Intel funds bawasan-Makabayan Bloc

ELCAC, Intel funds bawasan-Makabayan Bloc

October 7, 2022 @ 12:18 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sa harap ng kakulangan ng pondo para sa ilang programa ng gobyerno, iminungkahi ng Makabayan Bloc sa Kamara na bawasan  ng pondo ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict(NTF-ELCAC) at ang confidential and intelligence funds.

Ang pahayag ay ginawa ng Makabayan Bloc matapos i-realligned ng Kamara ang pondo at magkaroon ng P77.5 billion institutional amendments sa ilalim ng 2023 General Appropriations Bill.

Ayon kay House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro marami pang programa ang ngangailangan ng pondo sa halip na bulto ng pondo ay ilaan sa intel funds.

 yes it granted PGH P500 million additional funds but it needs P4.587 billion for 2023. As for COVID benefits of health workers, ang sabi ng DOH ang kailangan ay P76.5 billion para may budget buong 2023. Kahit tanggapin na natin na P18.96 billion ay Unprogrammed Appropriations kailangan pa rin ng P37.6 billion. Malayo sa P5 billion na dagdag,” paliwanag ni Castro.

“Ang social pension, P5 billion lang dagdag. Ang budget niya sa NEP ay P25.3 billion. Ang amount dumoble dahil sa pinasang batas. Kulang ang P5 billion. Kung sa DepEd school facilities ang panawagan natin ay dagdagan ng P20 billion; ang binigay ay P10 billion lang,” giit pa nito.

Giit ni Castro na dapat mayroong gawin ang mga mambabatas sa bicameral conference at tanggalan ng pondo ang NTF-ELCAC at confidential and intelligence funds ng mga ahensya at ilipat sa mas mahahalagang proyekto lalo na sa kalusugan.

“Though these amendments are still not final and can still be changed in the bicameral meeting, we hope that these allotments can still be increased by realigning the P9.26 billion of intelligence and confidential funds as well as the remaining funds for the NTF-ELCAC as well as other unnecessary funds to basic services,” pagtatapos pa ni Castro. Gail Mendoza