ELCAC kay Guevarra: NPA nagkukubli sa salitang ‘red-tagging’

ELCAC kay Guevarra: NPA nagkukubli sa salitang ‘red-tagging’

June 16, 2022 @ 4:38 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Pinalagan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang sinabi ni Justice secretary Menardo Guevarra hinggil sa di umano’y paglalagay sa balag ng alanganin ng task force sa sinomang inaakala nilang miyembro ng CPP-NPA-NDF nang walang ebidensya.

Sinabi ni NTF- ELCAC spokesperson Undersecretary Lorraine Badoy, mas nalagay nga sa panganib ang mga tao nang sa mahabang panahon ay hindi nahubaran ng pagkakakilanlan ang mga miyembro ng CPP-NPA-NDF.

Binigyang diin ni Badoy, na walang “redtagging” at ang gumagamit aniya dito ay ang NPA sa layuning patahimikin ang mga masigasig na ilantad ang katotohanan tungkol sa kanila at kanilang mga aktibidad at propaganda.

“At the NTF-ELCAC, we view it as our sacred duty to arm our countrymen with information and strip the masks off these terrorists who lie to steal our children away from us, who have murdered scores of our indigenous peoples and have damned the poorest among us,” ayon kay Badoy.

“Where they create confusion with their lies, we create clarity with the truth. Where they are loud and bold about their toxic lies, we are louder and bolder about the truth,” dagdag na pahayag nito.

Sinabi ni Badoy na nakalulungkot na tila hindi alam ni Guevarra ang isang ruling ng Korte Suprema sa kaso ng Zarate versus Aquino na nagsasabing walang peligro sa buhay, kalayaan at seguridad kung ang isa man ay nakilalang isang miyembro ng NPA.

Samantala, mariing pinanindigan naman ni Badoy na walang sinumang makapipigil sa kanila at itutuloy lang ang sa tingin nilay dapat gawin hanggang sa ganap ng makamit ang katapusan ng CPP-NPA-NDF.

Sa hiwalay na kalatas, sinang-ayunana naman ng NTF-ELCAC Legal Cluster ang paalala ni Guevarra subalit iginiit na ang “red-tagging” o pagbabansag sa mga tao bilang komunista ay ginagamit lamang ng communists groups bilang depensa.

“We are happy to inform the SOJ that the NTF-ELCAC has been doing that for the past years. Cases were filed against the CPP-NPA-NDF members, leaders, and allied front groups. The NTF-ELCAC takes the advice of the SOJ (Secretary of Justice) seriously and obediently,” ayon sa NTF-ELCAC Legal Cluster.

“If there is one thing that the SOJ and the NTF-ELCAC have in common, we both believe that there is no such thing as red-tagging, contrary to what the propaganda machinery and the propaganda template of the CPP-NPA-NDF would like to pitch to the Filipino people,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose