Eleazar: Imbestigasyon sa pagkamatay ng binatilyo sa Valenzuela ipaubaya sa PNP, NBI

Eleazar: Imbestigasyon sa pagkamatay ng binatilyo sa Valenzuela ipaubaya sa PNP, NBI

May 28, 2021 @ 2:11 PM 2 years ago


Manila, Philippines – Umapela si Philippine National Police (PNP) chief Police General Guillermo Eleazar sa publiko na hintayin na lamang ang findings ng magkahiwalay na imbestigasyon sa pagbaril sa isang binata sa Valenzuela City.

Nag-ugat ang naturang pahayag sa umano’y pahayag ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian na sinabi ng witness na hindi umano inagaw ng biktimang si Edwin Arnigo ang armas ng pulis.

Paniwala pa ng witness, aksidente ang pagkabaril dito.

“I don’t want to preempt the investigations being conducted on the case, particularly that of the NBI (National Bureau of Investigation),” lahad pa ni Eleazar.

“We will accept and abide by any findings of the NBI and of the IAS (Internal Affairs Service) in the case. In the meantime it would be prudent to wait for the outcome of the investigations being conducted.” RNT/FGDC