Eleazar naghain na ng COC sa pagka-senador

Eleazar naghain na ng COC sa pagka-senador

November 15, 2021 @ 10:50 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nakapaghain na ng kanyang certificate of candidacy sa pagka-senador si dating PNP Chief Guillermo Eleazar, ngayong huling araw ng filing ng substation para sa 2022 national at local elections.

Si Eleazar na kakaretiro lang sa PNP ay sumama sa partido ng Partido Reporma ni Senator Panfilo Lacson.

Pinalitan nito ang PWD advocate na si Paolo Capino, na nag-withdraw naman ng kanyangg kandidatura sa senatorial race noong namaraang linggo.

Sinabi ng dating PNP chief na ang kanyang legislative agenda ay sesentro sa peace and order na may ugnayan sa social reforms. Jocelyn Tabangcura-Domenden