ELEAZAR-POSAS SA BAD COP, MEDALYA SA GOOD COP

ELEAZAR-POSAS SA BAD COP, MEDALYA SA GOOD COP

August 9, 2018 @ 12:32 PM 5 years ago


 

Sunod-sunod na nakikita at napakikinggan si National Capital Region Police Office Director Guillermo Eleazar na galit na kinokompronta ang mga tiwali at tulisang pulis.

Nandiyan ‘yung mga hulidap na pulis ng Maynila, extortionist na pulis-Makati at Valenzuela, abusadong pulis na nanampal ng driver ng bus, isang pulis na tinakot at binantaan ang dalawang menor-de-edad at mga kidnap for ransom na pulis ng Muntinlupa at Taguig City.

Kitang-kita naman ng lahat na napapatay ng mga pulis ang mga kabaro nilang lumalaban sa kanila.

Sa mga araw na ito, isa-isang nabibisto ang mga bugok at ugok na pulis kaya agad na naglalatag ng sunod-sunod na counter intelligence operations ang mga elemento ng iba’t ibang distrito ng kapulisan sa Metro Manila ni Gen. Eleazar para tuluyan nang malinis ang PNP.

‘Ika nga ni Gen. Eleazar, iba na ang panahon ngayon. Dati-rati, ang mga mamamayan natin ay hindi kumikibo, hindi nagsusumbong o nagre-report ng mga kaalaman nila tungkol sa mga kriminal at lalo na tungkol sa mga pulis dahil ang paniwala nila ay wala rin namang mangyayari.

Paliwanag ni heneral, naiba na umano ang ihip ng hangin dahil sa mga nakikita at naririnig ng tao na inaaksyunan na ng kapulisan ang mga report nila.

Lalong mas dumami na ang nakukuhang mga impormasyon, ebidensya at testigo na magagamit ng pulis para makagalaw sila nang naaayon sa batas at “proper police procedures.” Kesehodang makabangga nila ang kabaro nilang pulis.

Sa bibig mismo ni Sen. Ping Lacson na dating PNP chief at eksperto sa police matters nanggaling ang salitang hindi dumarami ang mga scalawag na pulis.

Ang pagkakabuking ng mga iskalawag at pagpapatino sa mga pulis ay depende lang sa leadership ng isang higher superior.

Ani Lacson, dahil pinaigting nang husto ni Gen. Eleazar ang kampanya laban sa mga scalawag, nababalatan, nakikilala at natitimbog na ang mga scalawag na pulis.

Gayunman, ipinagmalaki pa rin ni Eleazar na kung may mga bugok, ugok o scalawag man na pulis, mas marami naman ang pulis na matitino, magagaling at masisipag na nagsisilbi nating tagabantay at tagahuli ng mga taong gumagawa ng mga masasama sa bansa.

Katunayan, ang mga pulis na ito ay sinasabitan ng mga medalya atsaka pinapurihan sa mga nagawang kabutihan bilang marangal at matinong pulis na kaagapay ng mamamayan.

OPISYALES NG MENDEZ SAKLA KING

Sa Cavite naman sa bayan ng Mendez, isang alias Dodjie na isang local official ng local na pamahalaan ng munisipiyo ng Mendez  ang sinasabing na nagpapasaklang may patay at nagpapasaklang kahit wala namang patay at nagpapasakla rin ng mahigit sa isang buwan na hindi pinalilibing ang patay.

Ang tindi ng tarantadong Dodjie na ito,kung sino pa ‘yung sinasabing mga namumuno sa baryo ay siya pa ‘yung pasimuno ng katarantaduhan gaya ngkanyang negosyong saklang patay….

Bakit hindi kumikilos si Gov.Jesus Crispin Remulla para mapatanggal ang nasabing pasugalan?

Bakitttttt……gobernor?

Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764,09266719269 o i-email sa [email protected] o [email protected]. – JUAN DE SABOG NI JOHNNY MAGALONA