Eleazar sa CPP-NPA na utak ng Masbate landmine attack: Sumuko na kayo!



Eleazar sa CPP-NPA na utak ng Masbate landmine attack: Sumuko na kayo!

June 11, 2021 @ 5:38 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Umalma si Philippine National Police (PNP) chief Police General Guillermo Eleazar sa pagbalewala ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa panawagang pagsuko ng mga nasa likod ng landmine attack sa Masbate.

“What can we expect from these rebels who are just pretending to be remorseful over their terrorist attack that killed Kieth and Nolven?” giit ni Eleazar.

“They have never been sincere, in the first place, and we have expected this from them. The CPP-NPA will not listen to reason, stuck in their crooked and twisted way of thinking,” punto pa nito.

Ayon sa PNP chief na ang pagbalewala ng grupo sa insidente ay magpapatuloy sa pananakit sa mga sibilyan.

Nitong Linggo, patay sina college football player Kieth Absalon at ang pinsang si Nolven matapos masabugan ng landmine habang nagbibisikleta.

“Ang lalakas ng loob nilang pumuna sa pamahalaan at ginagamit pa nila itong instrumento para linlangin ang taumbayan pero ang sarili nilang tauhan bini-baby kapag nakapatay ng mga inosenteng sibilyan,” ani Eleazar.

Nangako rin si Eleazar sa pamilya ng mga biktima ng hustisya sa pagkamatay ng mga ito.

“No less than the arrest and conviction by a court of law of the perpetrators behind this violent and dastardly act can make up for the death of the two innocent men,” aniya.

Ilang ahensya rin ng gobyerno ang nananawagan sa pagsuko ng mga miyembro ng CPP-NPA na utak ng pag-atake. RNT/ELM


  •  
  •  
  •