Eleazar sa IAS: After-ops report sa drug crackdown rebyuhin

Eleazar sa IAS: After-ops report sa drug crackdown rebyuhin

September 16, 2021 @ 7:25 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Inatasan na ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Guillermo Eleazar ang Internal Affairs Service na rebyuhin at beripikahin ang after-operations reports na isinumite ng police commanders sa anti-illegal drugs  crackdowns.

Inisyu ni Eleazar ang direktiba kasabay ng pagtitiyak nito sa publiko ng transparency at accountability sa anti-drugs operations.

“Kami man sa PNP ay gustong matapos na ang lahat ng pagdududa at mga alegasyong ito dahil ang buong organisasyon na ang nadadamay dito.”

“As what we have been saying and in fact, have repeatedly proven to our kababayan, the PNP neither condones nor covers up abuses and other forms of wrongdoings in our ranks,” lahad pa ni Eleazar.

“We assure our kababayan that we shall remain committed to the principles of transparency and accountability that we have been working hard for in order to continue winning the trust, confidence and respect of the Filipino people.” RNT/FGDC


  •  
  •  
  •