Eleazar sa ibang politiko: Salamat sa pag-endorso, Partido Reporma pa rin ako

Eleazar sa ibang politiko: Salamat sa pag-endorso, Partido Reporma pa rin ako

March 26, 2022 @ 2:30 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Nagpaabot si senatorial candidate at dating PNP chief Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar ng taos-pusong pasasalamat sa mga politikong mula sa ibang partido pero ini-endorso ang kanyang kandidatura.

Gayunpaman, iginiit ni Eleazar na wala siyang planong iwan ang Partido Reporma.

“Malaki ang pasasalamat ko sa mga kandidatong nakikitaan ako ng potensyal na maglingkod sa Senado at sakaling ako ay palarin na manalo, makakaasa kayo na ako ay magtatrabaho para tulungang ipanalo ang laban ng ating mga kababayan,” ani Eleazar.

“Dadalhin ko ang araw-araw na suliranin nila sa Senado para sila ay mabigyan ng boses at ang mga problema nila ay matugunan. Ang laban nila ang magiging laban ko sa Senado.”

Bago ito, inimbitahan si Eleazar bilang guest candidate ni Manila vice mayoralty candidate Raymond Bagatsing si Eleazar at tatlo pang national candidate, kabilang si vice presidential aspirant Davao City Mayor Sara Duterte.

Sa naturang aktibidad, inendorso ni Duterte ang kandidatura ni Eleazar, na tinawag niyang “good friend.”

“I thank Mayor Sara Duterte for believing in my capacity as a public servant and we welcome her endorsement of course. Gusto ko lang po linawin na this does not mean that I have plans to switch allegiances,” ani Eleazar.

“After being in the uniformed service for four decades, I have learned the importance of loyalty kaya dala-dala ko ito hanggang ngayon na ako ay nagretiro na sa serbisyo,” aniya pa. Jan Sinocruz