Eleazar sa PH gov’t: Mamimili protektahan, presyo ng bilihin bantayan

Eleazar sa PH gov’t: Mamimili protektahan, presyo ng bilihin bantayan

March 22, 2022 @ 11:15 AM 3 months ago


MANILA, Philippines- Nanawagan si Partido Reporma senatorial candidate Guillermo Eleazar nitong Martes sa pamahalaan na protektahan ang mga mamimili sa hindi makatarungang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis.

“Damay na talaga ang presyo ng pagkain gaya ng baboy, manok, at mga gulay dito sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa merkado. Bilang mga pangunahing pangangailangan, dapat aksyunan ng DTI (Department of Trade and Industry) ito dahil kawawa naman ang ating mga kababayan na umaaray na sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin,” pahayag niya.

Ani Eleazar, ilan sa mga panukala na dapat ipatupad sa pakikipag-ugnayan sa local government units (LGUs) at sa Philippine National Police (PNP) ay random inspections sa grocery stores at mga palengke upang makita kung sumusunod sila sa suggested retail price (SRP) na itinakda ng DTI.

Hinikayat din niya ang LGUs at DTI na palakasin ang sistema ng paghahain ng reklamo ng mga mamimili sa mga nandadayang nagtitinda.

Last week, the DTI said it is looking into revising the latest SRP list to reflect the impacts of increasing oil. RNT/SA