Eleazar sa publiko: ‘Wag mag-hoard ng paracetamol ‘di ito vitamins  

Eleazar sa publiko: ‘Wag mag-hoard ng paracetamol ‘di ito vitamins  

January 5, 2022 @ 11:22 AM 7 months ago


Manila, Philippines – Nagpayo si senatorial aspirant Guillermo Lorenzo Eleazar na ang paracetamol ay hindi bitamina o food supplement na kailangang bilhin ng maramihan.

Kaugnay ito ng pagdagsa ng mga naghahanap ng paracetamol sa drugstores kasabay ng flu season at pagtaas ng kaso ng COVID.

“Kalimitang dahilan ng shortage ng supply ay panic buying at pagho-hoard ng ilang mga grupo at indibidwal. Sa ating mga kababayan naman, huwag naman nating gawing arang vitamins ang paracetamol at sa halip ay maging sensitibo sa mga taong mas nangangailangan nito,” ani Eleazar.

Samantala, nanawagan din ito sa Department of Trade and Industry (DTI) na tiyaking mayroong sapat na suplay ng gamot sa mga botika. RNT/FGDC