Eleazar suportado ng malalaking transport groups

Eleazar suportado ng malalaking transport groups

April 5, 2022 @ 1:36 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Naghayag ng suporta sa kandidatura sa pagka-senador ni dating PNP chief Guillermo Lorenzo Eleazar ang tatlong pinakamalaking transport group sa bansa dahil sa paglaban niya sa “kotong cops” at pagsusulong ng kapakanan ng mga nasa sektor ng transportasyon sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa kanilang joint statement, inihayag ng Pangkahalatang Sanggunian Manila at Suburbs Drivers Association (Pasang-Masda), Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), at Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO) ang suporta sa kandidatura ni Eleazar.

Ang tatlong grupo ay may mahigit kalahating milyong officers at miyembro.

“Over the years, the Pangkahalatang Sanggunian Manila at Suburbs Drivers Association (Pasang-Masda), the Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), and the Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO) have always been united in voicing out the concerns and in fighting for the rights and welfare of all drivers and operators of public utility vehicles across the country. We intend to uphold this unity and show our force in the coming May 9, 2022 elections,” anila.

Inilarawan ng mga grupo si General Eleazar bilang kinatawan ng nais nilang public servant — “tough but fair, approachable but firm in his principle of fighting for what is just and right, a man with honor and integrity, and a man who believes in consultative leadership.”

Inalala ng mga grupo ang mga ginawang pagtitiyak ni Eleazar na naririnig ang kanilang hinaing laban sa mga abusadong pulis at traffic enforcer, pati ang mabilis niyang pagtugon sa mga ito, noong siya pa’y direktor ng Quezon City Police District (QCPD) hanggang sa naging PNP chief.

Nagsilbi rin si Eleazar bilang adviser ng mga transport group noong siya pa’y commander ng Joint Task Force COVID Shield, at doo’y ginamit ang kakayanan para sa makatwirang pagpapatupad ng lockdown kaya’t nabigyan sila ng pagkakataong makapaghanapbuhay kahit may pandemya.

Nito namang mga nakaraang buwan ay ipinanawagan ni Eleazar ang pagbibigay ng “ayuda” o fuel subsidy at pansamantalang suspensyon ng excise tax para maibsan ang mga epekto ng pandemya at oil price hikes sa mga driver at operator ng pampublikong sasakyan.

“Based on our consultations and our assessments of the candidates for the May 9, 2022 elections, we believe that General Eleazar has the qualifications, the track record and the moral ascendancy to fight for the interest of those in the public transport sector,” sabi ng mga grupo.

Nagpasalamat si Eleazar sa PASANG-MASDA, ALTODAP, at ACTO sa pagtitiwala sa kanyang kakayanang magpasa ng mga batas na magpapabuti sa kalagayan ng mga ordinaryong Pilipino, kabilang na ang mga driver at operator.

“Taos puso po ang aking pasasalamat sa inyo dahil ako ay pinagkatiwalaan niyong kayo ay aking pagsilbihan. Ang aking malinis at proven track record sa 38 years ko sa uniformed service ang tanging maihahandog ko sa inyo para madala ko ang inoyng araw-araw na laban sa buhay sa Senado. Ang laban niyo, laban ko,” aniya. Jan Sinocruz