Eleazar suportado ng mga Kapampangan

Eleazar suportado ng mga Kapampangan

May 4, 2022 @ 3:30 PM 2 months ago


PAMPANGA – Apat na araw bago ang halalan, patuloy na nililibot ni PNP chief at senatorial candidate Guillermo Lorenzo Eleazar ang iba-ibang lalawigan upang mailatag ang kanyang plataporma sa mas marami pang Pilipino.

Pinakahuli sa mga binisita ni Eleazar nitong Miyerkules ang Pampanga.

Nagsagawa siya ng motorcade at nakipagkita sa mga tagasuporta sa Angeles City at San Fernando City.

‚ÄúNandito na tayo sa huling bahagi ng ating kampanya kaya sinusulit ko talaga ang bawat moment. Ito na ang pinakamatinding bahagi ng pangangampanya at kailangan ay humaharap tayo sa anumang pagsubok na dala ng buhay,‚ÄĚ aniya.

_

Kilala ang Pampanga sa pagkakaroon ng malaking impluwensiya sa kalalabasan ng halalan dahil isa ito sa mga lalawigang may pinakamaraming botante.

Noon lamang 2016 elections, tinatayang may 1.46 milyon eligible voters sa Pampanga.

‚ÄúSalamat po sa mga nagpahatid ng pagbati at suporta para sa aking kandidatura. At kung sakaling ako ay inyong pagtiwalaan sa darating na halalan, lahat ng mga Kapampangan ay mas aangat pa ang antas ng pamumuhay,‚ÄĚ ani Eleazar.

Naka-sentro ang plataporma ni Eleazar sa pagpapabuti pa ng seguridad at peace and order, upang umabot ang pag-unlad sa kanayunan, kahit sa mga liblib na lugar. Jan Sinocruz