Eleazar tiniyak na walang cover-up, kapabayaan sa drug war deaths

Eleazar tiniyak na walang cover-up, kapabayaan sa drug war deaths

July 7, 2021 @ 12:33 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Guillermo Eleazar na walang naganap na cover-up sa mga nasawi sa anti-illegal drug operations at kasalukuyan na itong iniimbestigahan.

Ito ang kanyang nagging tugon sa pinakabagong report ng international rights watchdog Investigate PH na naaalarma umano sa cover up at kakulangan ng credible autopsy.

“Hindi kailanman naging polisiya ng PNP ang panggigipit at pang-aabuso sa mga mahihirap nating kababayan at lalong lalo na ang pagtatakip ng mga kamalian sa aming hanay.”

Sinabi ni Eleazar na nakahanda ang PNP na makiisa sa local na imbestigasyon tungkol sa war on drugs.

Paalala pa nito, may mga pulis ding sugatan at namatay dahil sa kampanya laban sa droga.

 “I understand  your point of ensuring a professional PNP and of human rights-based approach in the conduct of our operations but what I can assure you is that these are all being observed and strictly monitored—the exact reason why there have been thousands of policemen who were punished and dismissed from the service.” RNT/FGDC