ELEAZAR UMANGAT SA SURVEY, KAMPANYA LALONG PINALAKAS

ELEAZAR UMANGAT SA SURVEY, KAMPANYA LALONG PINALAKAS

April 5, 2022 @ 8:29 PM 3 months ago


PINAIGTING pa ni senatorial candidate at dating PNP chief Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar ang mga aktibidad para makadaupang-palad ang mas maraming Pilipino at maiprisinta ang kanyang plataporma matapos ang pagtaas ng kanyang ranking sa mga survey.

Si Eleazar ang nag-iisang kandidato sa Senado na mula CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal and Quezon).

Binisita ni Eleazar ang mga lungsod ng Batangas, Lipa at Tanauan, at iba’t ibang bayan ng Batangas sa dalawang-araw na motorcade, at mainit namang tinanggap ng mga                                      residente.

Bukod doon nagsagawa rin si Eleazar ng courtesy calls sa mga local chief executive, at nangako ang mga ito na susuportahan ang kanyang laban sa Senado.

Mula sa 22-24 na ranking sa December 2021 surveys ng Pulse Asia at SWS, umakyat si Eleazar sa ranking na 17-19 sa survey ng dalawang kompanya nitong Enero.

Sa mga kumakandidatong senador na nasa “Top 20,” si Eleazar ang nagtamo ng pinakamalaking pag-abante na walong puntos. Konti na lang sokpa na si Eleazar.

“Naniniwala tayo lalo pang mag-i-improve ang ating sa sipag sa pangangampanya upang makilala pa tayo ng husto ng ating mga kababayan at malaman nila ang aking plano para ipaglaban ang araw-araw na laban sa buhay ng ating mga kababayan,” ani Eleazar.

SINO ITONG COLLECTOR NI HENERAL SA PASUGALAN?

Sino itong isang alyas Greg U. na umiikot sa buong lalawigan ng Laguna na wala nang ginagawa kundi mangotong sa mga iligal na pasugalan gaya ng mga perya?

Si Greg U. ang siyang pinagkakatilwalaang tong-collector ng isang heneral sa nasabing lalawigan kaya malakas ang loob nitong mangotong.

Sino ang heneral na ito?