Election ballot sa BARMM, inimprenta na

Election ballot sa BARMM, inimprenta na

January 24, 2022 @ 9:40 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Nagsimula na ang Commission on Elections (Comelec) na mag-imprenta ng balota nitong Linggo para sa Bangsamoro Autonomous Region sa Muslim Mindanao (BARMM) na gagamitin sa 9, 2022 automated election system.

Sa kanyang tweet, inanunsyo ni Comelec spokesperson James Jimenez na ang imprenta ng opisyal na balota para sa 2022 national and local elections ay sinimulan na.

“Printing of official ballots for the 2022 National and Local Elections began at [approximately] 11:27AM today, 23 January 2022, at the National Printing Office,” ayon sa tweet ni Jimenez nitong Linggo.

Dagdag pa ni Jimenez, ang bilang ng balota na iimprenta para sa BARMM ay 2,588,193

“Printing will start with the ballots for Lanao del Sur, numbering 685,643 ballots,” ani Jimenez

“You can now see the iconic ballot design undergoing a test print run,” wika pa nito sa media Viber group.

Samantala, nagsimula ang pag-imprenta ng 60,000 official local absentee voting (LAV) ballots noong Enero 20, Huwebes ng gabi, ani Jimenez.

Nitong Enero 23, kinumpirma ni Jimenez na ang printing ng manual LAV at oversease absentee voting ballots ay nakumpleto na.

Nauna nang binanggit ng Comelec na mahigit 67 milyong opisyal na balota para sa 2022 national at local elections ang iimprenta.

Ang 2022 national at local elections ay nakatakda sa Mayo 9, 2022. Jocelyn Tabangcura-Domenden