‘Election sabotage’ claim ng 4 prexy bets iimbestigahan ng PNP

‘Election sabotage’ claim ng 4 prexy bets iimbestigahan ng PNP

April 18, 2022 @ 1:52 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Iimbestigahan ng Philippine National Police (PNP) ang mga ulat ukol sa umano’y pananabotahe sa darating na Halalan 2022.

Sa press conference nitong Lunes, sinabi ni PNP chief Police General Dionardo Carlos na sa kasalukuyan ay wala pa silang natatanggap na ganitong ulat, subalit nangakong kukuha ng detalye mula kay Senator Panfilo Lacson, isa sa presidential candidates na nagsiwalat sa umano’y pananabotahe.

“We’ll get the details from Senator Lacson para matignan namin,” pahayag ni Carlos.

“So far I have here, si [Police Major General Valeriano de Leon], he’s monitoring for the elections. Wala naman tayong major reports of ganun,” dagdag niya.

Nagbabala sina Lacson at mga kapwa presidential candidates na sina Manila Mayor Isko Moreno at dating National Security Adviser Norberto Gonzales, sa pagtatangkang guluhin ang May 9 elections, sa isang joint press conference nitong Linggo.

Subalit inamin ni Lacson na beberipikahin pa ang ulat na ito. RNT/SA