Election summit ikakasa sa susunod na taon

Election summit ikakasa sa susunod na taon

October 5, 2022 @ 2:30 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng Commission on Elections o Comelec na magsasagawa ng election summit ang ahensya sa susunod na taon.

Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Comelec spokesperson John Rex Laudingco na tatlong araw gagawin ang election summit sa Enero 2023.

Aniya, pag-uusapan sa summit ang reporma ng eleksyon gaya ng proseso nito at maging sa mga aspetong teknikal.

Sinabi ni Laudingco na lahat ng mga electoral reform agenda ni Comelec Chairman George Garcia ay pag-uusapan lahat sa summit.

Tiniyak ni Laudingco na ilalabas sa susunod na mga araw ang detalye sa naturang summit kung saan kasama aniya lahat tulad ng mga stakeholders, Kongreso at bukod sa iba pa.

“Lahat po ng ground works po ay ginagawa na lahat ngayon for that”, ani Laudingco.

Siniguro din niya na patuloy ang ginagawang preparasyon para sa nasabing summit. Jocelyn Tabangcura-Domenden