ELECTION VIOLENCE VS MEDIA BANTAYAN

ELECTION VIOLENCE VS MEDIA BANTAYAN

July 14, 2018 @ 6:05 PM 4 years ago


MALAPIT na naman ang national at local elections kung saan daragsa ang mga tukso sa ibang me­dia­man na maaaring gawing PR o public re­lations man ng mag­­­­kakalabang pa­nig. Kadalasan ang mga kawawa na­­­­­ti­ng kapatid sa hanapbuhay ang naiipit sa huli.

Sa totoo lang, tila proxy war ang nang­yayari kung saan ang mga nagbabanga­yang politiko, lalo na sa lokal ay umaasa sa mga kaalyadong media. Una, para buma­ngo at, pangalawa at kadalasang nangyayari, para masira ang kalaban.

Pero hindi naman lahat ay gumagawa nito. Sa totoo lang ulit, wala namang masama sa kagustuhang ma­bu­hay ninoman. Ang atin lamang ay paalala na mag-ingat sapag­kat ayaw nating maki­ta na sa tindi ng pali­tan ng banatan ay may isang titimbuwang sa huli.

Ang ganitong insidente rin ang nagi­ging sanhi ng awa­yan sa pagitan ng mga grupo ng media. Me­rong dikit kay meyor at merong dikit kay gobernor at sa mga kalaban ng dalawa. BOOM!

Kailangang maging intelehente at mapanuri sa pakikipag­transaksyon sa mga politiko upang maiwasan natin ang pe­-li­g­ro sa ating propes­yon na kadalasan ay humahantong pa sa pagkitil ng buhay.

Hindi masamang pumuna sa korap­syon. Tungkulin natin ‘yan. Ibang usapan na lang kapag ang pagpuna sa korapsyon ng isang opisyal dahil ipinag-utos ng katunggali.

Paalala lang din po na ‘pag dumarating ang panahon ng halalan ay tumataas ang bilang ng biktima ng karahasan ka­sama na ang media. Halimbawa ang Ma­guin­danao massacre na 32 mama­mahayag ang napaslang.

Hindi natin maikakaila na nagagamit ang iba ng mga politiko, pero dapat ay ma­ging wais sa pagpili kung si­nong politiko ang dapat suporta­han. Siyempre dapat ‘yung tunay na may malasakit sa bayan. Mahirap na at baka magamit lamang ng kam­­­­­­­­­­pon ng kadiliman.

Kapag kasi nalagay sa alanganin at naipit sa gitna, walang  pad­rino ang du­miriin para protektahan ang ginamit na tao. Iniiwan sa ere, wika nga. (ITUTULOY)

TAMA O MALI?

Bukod d’yan ay nakaamba ang kasong libelo kapag personalan na ang pagtira o mga paninira sa makaka­laban ng pulitikong pinapanigan. Hay buhay!

Mahirap magdesisyon pero kailangan nating mga media na maging mahusay sa pagganap sa tungkulin. Dapat obhetibo at patas sa pagtingin at pagtantiya sa mga isyu. ‘Yan ang ideal situation. At ito rin ang dahilan kung bakit mayrong Code of Ethics.

Sa madali’t sabi, huwag magpapagamit o magpapadikta sapagkat ang tunay na mamamahayag ay hindi ipagpapalit ang katotohanan sa anumang halaga.

NO STORY IS WORTH DYING FOR. Mas mahalagang mabuhay para sa isang mensahero.

Ilan sa mga nasa larangan ng pagiging PR man ay maayos ang trabaho dahil ang kanilang istratehiya ay ang ipakita sa madla ang magagandang nagawa ng isang pulitiko at hindi lumalarga ang mga ito sa mga dirty tricks tulad ng paninira sa imahe ng mga katunggali.

Ang datos ng mga napaslang na mga media practi­tioners ay hindi na dapat madagdagan. Dasal natin na wala nang masaktan. Laging tandaan ang prinsip­yong tinagurian nating TAO sa pagpuna. Truth, Accuracy at Objectivity. T-A-O!

Bukod dito, dapat maging alisto tayo at maging malakas ang pakiramdam sa lahat ng sitwasyon.Huwag kumpiyansa at huwag basta-basta magtiwala. DALA KO EGCO