Eleksyon 2022, 100% safe – Smartmatic

Eleksyon 2022, 100% safe – Smartmatic

March 21, 2022 @ 6:45 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Mananatiling 100 porsiyentong ligtas ang eleksyon sa Mayo 9 sa kabila ng umano’y security breach sa sistema ng service provider nito na Smartmatic.

Sa pagdinig ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms nitong Lunes, sinabi ng tagapagsalita ng Smartmatic na si Atty. Christopher Louie Ocampo na ang source code at software ng Automated Election System (AES) ay ganap na pinamamahalaan at kontrolado ng Commission on Elections (Comelec).

Binigyang-diin din ng Smartmatic na ang server at imprastraktura ng Comelec ay hiwalay at naiiba sa kanila.

“Comelec’s servers and infrastructure are never connected to Smartmatic’s servers and infrastructure. The poll body never shares electoral data with Smartmatic, a fact that Comelec has affirmed and reaffirmed time and again,” saad ni Ocampo.

“Also, Comelec has already informed the public that its system is secure and there is no hacking or penetration into their system,” aniya pa.

Kasabay nito, muling iginiit service provider na walang nangyaring hacking sa Comelec.

“Please note, too, that Smartmatic’s system wasn’t hacked.” RNT