Eleksyon 2022 caravans papayagan lang kada umaga ng weekend, holiday – MMDA

Eleksyon 2022 caravans papayagan lang kada umaga ng weekend, holiday – MMDA

December 13, 2021 @ 2:01 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Nilinaw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na papayagan lamang ang election-related caravans at motorcades tuwing umaga ng weekends at holidays upang hindi magdulot ng mabigat na trapiko.

Inisyu ni MMDA chairperson Benjamin Abalos Jr. ang guidelines sa political parties at supporters upang maiwasan ang traffic jams lalo pa sa rush hours.

“Number one, motorcades should only be on Saturdays and Sundays or holidays. Number two, it should only be in the mornings— 5:00 in the morning, the most is 10:00 [a.m.],” lahad ni Abalos sa Super Radyo dzBB.

Kakailanganin ding mag-apply ng event organizers na mag-apply ng Roadway Private Utilization Permit (RPUP) wisath the MMDA at concerned LGUs.

Dapat ding ilahad dito ang buong detalye, pangalan, at organisasyon.

“Ang mangyayari rito is of course, they will have their own penalties. Nakamonitor naman sa CCTV natin ‘yan at mananagot itong organizer.”

Binanggit din sa guidelines na ang paglabag dito ay maaaring magresulta ng ‘suspension, cancellation or revocation of RPUP.’ RNT/FGDC