Elf truck inararo ng ambulansya, 1 patay

Elf truck inararo ng ambulansya, 1 patay

January 13, 2023 @ 3:04 PM 2 weeks ago


ALICIA, ISABELA – Patay ang driver ng isang ambulansiya matapos na sumalpok sa likurang bahagi ng sinusundang elf truck sa daan sa Salvacion, Alicia, Isabela.

Kinilala ang nasawing driver ng ambulansiya na si Jurezz Mark Aristan Perpetua, residente ng Bagong Silang, Caloocan City.

Habang ang driver ng elf truck na nasugatan din ay Jose Cabauatan Jr, 30 anyos at residente ng Babaran, Echague, Isabela maging ang kasamang pahinante.

Nawasak ang harapang bahagi ng bagong ambulansiya ng Department of Health (DOH) habang dumiretso sa palayan ang elf truck na may mga sakay na 100 sako ng feeds.

Isinugod ang driver ng ambulansiya sa isang pribadong ospital sa Alicia, Isabela ngunit idineklarang dead on arrival.

Samantala, ayon sa nakakita sa pangyayari na si Danilo Castro, magsasaka, na mabilis ang takbo ng ambulansiya at dalawang iba pa na hindi napansin na nasangkot sa aksidente ang kasamang ambulansiya. Rey Velasco