Elha, kumanta ng Wonderful Tonight, inokray!

Elha, kumanta ng Wonderful Tonight, inokray!

November 4, 2022 @ 6:00 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Pumalag ang singer na si Elha Nympha sa netizens matapos punahin siya ng nga ito sa paulit-ulit na rendition niya ng kantang “Wonderful Tonight”.

Tinambakan ito ng netizens ng hate comments tungkol sa pagkanta niya.

Hindi naman nagdalawang isip si Elha na sagutin ang hate comments.

“Sa mga nagsasabing mas maganda yung… or ang pangit ng cover na to edi sana pina billboard niyo gawa kayo ng sariling niyo cover na mag sasatisfy ng expectations niyo di ko kayo need i please,” saad nito as is.

As of press writing, deleted na ang rude comments sa video ng singer.

Mukhang naka-move on na rin naman ito dahil base sa pinned comment niya, mag-a-upload itong muli ng song cover sa kanyang YouTube channel.

Abangers na naman ba ang bashers? Let’s see what song she is going to sing this time. Hehe! Paula Jonabelle Ignacio