Elias, clingy kay Derek, iniintriga!

Elias, clingy kay Derek, iniintriga!

January 25, 2023 @ 4:30 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Ipinagmamalaki ni Ellen Adarna na financially ay hindi siya nakadepende sa asawang si Derek Ramsay.

May isa kasing netizen ang curious na nagtanong kung ano ang ikinabubuhay ng Cebuana actress to think na hindi naman ito busy sa kanyang career.

Therefore, showbiz earnings-wise ay walang umaakyat sa kanya.

Kung matatandaan, Ellen was last seen on the sitcom John & Ellen with John Estrada.

Hindi na tinapos ni Ellen ang second season nito na siyang ipinagtampo ng co-star niyang si Long Mejia.

Asked how she’s able to survive despite her long showbiz inactivity, inamin ni Ellen na may kinikita naman siya mula sa kanyang mga product endorsements.

Higit pa raw dito ang natatanggap niyang share o dividends mula sa mga negosyo ng kanyang pamilya sa Cebu.

Kumbaga, sa share pa lang na ‘yon ay can afford na si Mrs. Ramsay na maghayahay for as long as she wants.

Sa tanong kung ano’ng ambag niya sa household nila ni Derek, mabilis ang sagot ni Ellen: “My presence and existence.”

In fairness, ganoon din naman ka-financially sound si Derek who does not have to work his butt.

Samantala, kaagad napansin ng mga netizens ang pagiging clingy ni Elias kay Derek as though biological father ng bata ang Fil-British actor.

Sa kuha kasi sa loob ng eroplano, makikitang nakasiksik ang anak ni Ellen kay John Lloyd Cruz kay Derek habang may pinanonood.

Hindi na dapat ginagawan ito ng intriga dahil inamin naman ni Derek that he treats Elias his own nang hindi niya tinatanggalan ng paternal rights si Lloydie.

Kung magkasama naman kasi ang totoong mag-ama ay clingy rin si Elias kay John Lloyd.

Isn’t Elias lucky to have two fathers? Ronnie Carrasco III