Higit 35K kabahayan nawasak sa Abra quake – NDRRMC

August 8, 2022 @2:20 PM
Views:
9
MANILA, Philippines- Tinatayang pumalo na sa 35,463 ang kabahayan na winasak ng magnitude 7 earthquake na yumanig sa Abra at kalapit- Northern Luzon provinces noong Hulyo 27, 2022.
Sa pinakabagong situation report na ipinalabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sinabi nito na 34,842 “partially damaged” at 621 naman ang “totally damaged” na kabahayan.
Karamihan sa mga nawasak na kabahayan ay sa Cordillera Administrative Region (CAR) , 26,856; sinundan ng Ilocos Region na may 8,605 at tig- isa naman ang nawasak na bahay sa National Capital Region (NCR) at Cagayan Valley.
Ang halaga naman ng nasira sa agricultural infrastructure, equipment at facilities ay umabot na sa P33.22 milyong piso sa CAR, habang ang napinsala naman sa irrigation systems ay umabot na sa P22.7 milyong piso sa CAR at Ilocos.
Ang pinsala naman sa infrastructure sa Ilocos Region, Cagayan Valley, CAR at NCR ay umabot naman sa P1.59 bilyong piso.
Sa kabilang dako, 11 naman ang naitalang namatay habang 614 naman ang nasugatan.
Nanguna naman ang CAR sa listahan ng mga may nasaktang indibiduwal na may 578,sinundan ito ng Ilocos na may 34 at Cagayan Valley, na may dalawang bilang.
Samantala, ang mga pamilyang apektado ng malakas na lindol ay 140,101,na may katumbas na 512,936 katao na nakatira naman sa 1,334 barangay sa Ilocos Region, Cagayan Valley at CAR.
Mayroon lamang 298 pamilya o 968 katao ang nananatili sa 11 evacuation centers habang ang mayorya ng mga evacuees ay nagsimula nang bumalik sa kanilang mga tahanan. Kris Jose
Huling buhat ni Hidilyn

August 8, 2022 @2:07 PM
Views:
6
MANILA, Philippines – Hindi hadlang ang nakuhang gintong medalya kay Filipino Olympian Hidilyn Diaz dahil determinado itong gumawa ng higit pa para sa Pilipinas, dalawang taon bago ang 2024 Paris Olympics.
Noong Linggo nag-post si Diaz sa Instagram ng larawan ng mga chalked hands na “isang paalala na sa kabila ng lahat ng nagawa ko, ang weightlifting ay nagtulak sa akin na ipagpatuloy ang pagsisikap ko para sa bayan natin.”
Sinabi ni Diaz na isinasantabi niya ang kanyang honeymoon kasama ang asawa at coach na si Julius Naranjo habang nananatili ang 730 araw para sa Paris Olympics.
“Kahit mahirap, even though I do not need to prove anything, gusto ko pa rin gawin ang lahat [nang] makakaya ko para sa weightlifting at sa Pilipinas,” wika nito.
Hinikayat din ni Diaz ang bansa na samahan siya sa kanyang “#LastLift.”
“I am manifesting this dahil ito ang gusto ko at weightlifting ang nagpapasaya sakin. Samahan ninyo ako sa aking desisyon to go for my #LastLift. #TeamHD will be with me throughout the whole process pero kailangan ko ang suporta at dasal ninyo lahat,” dagdag niya.
Naalala rin ni Diaz sa larawan ang kanyang silver medal finish sa Rio Olympics na nangyari eksaktong anim na taon na ang nakararaan.
“Natatandaan ko pa kung gaano kataka-taka ang araw na iyon, kung paano ako ginulat ng Diyos ng isang pilak na medalya noong ako ay naglalayon pa lamang ng isang Tanso, ito ay isa sa mga ipinagmamalaking sandali ng aking buhay.”RICO NAVARRO
Tapyas-singil sa kuryente ikakasa ng Meralco sa Agosto

August 8, 2022 @2:06 PM
Views:
11
MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Manila Electric Co. (Meralco) onitong Lunes ang tapyas-singil sa kuryente para sa buwan ng Agosto, sa pagpapatuloy ng implementasyon ng kompanya ng refund na iniatas ng Energy Regulatory Commission (ERC).
Sinabi ng Meralco na ang overall rate sa tipikal na tahanan ay binawasan ng 20.87 centavos per kilowatt-hour ngayong buwan hanggang P9.5458/kWh mula sa P9.7545/kWh noong nakaraang buwan.
Nangangahulugan ito na mababawasan ng halos P42 ang kabuuang bill ng residential customer na kumokonsumo ng 200 kWh.
Ipinag-utos ng ERC nitong nakaraang buwan sa Meralco na ibalik ang halos P21.8 bilyon sa loob ng 12 buwan, o hanggang mabayaran ito ng buo. Nangangahulugan ito ng 86.56 centavos per kilowatt-hour para sa bill noong nakaraang buwan.
“The implementation of distribution-related refunds totaling P48.3 billion as ordered by the ERC continues to temper customers’ monthly bills. This is equivalent to a total refund rate of P1.8009 per kWh for residential customers,” pahayag ng Meralco.
Tinapyasan ang generation charge para sa Agosto ng 19.44 centavos hanggang P6.5812/kWh mula sa P6.7756/kWh sa nakalipas na buwan, kasunod ng mas mababang charges mula sa power supply agreements (PSAs).
“With the ongoing rainy season, Meralco advises its customers to practice safety measures and prepare for floods or typhoons,” ayon sa power distributor.
“Customers are urged to charge mobile phones, flashlights, and other important gadgets or rechargeable appliances,” dagdag nito. RNT/SA
Regionalization ng NBP, isusulong ni Padilla

August 8, 2022 @1:52 PM
Views:
14