Elias, vlogger na!

Elias, vlogger na!

February 28, 2023 @ 2:26 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines- Magkahalong pagkamangha at pagkagulat ang lumukob kay Ellen Adarna nang mapanood niya sa kanyang IPad ang ini-record na video ng anak na si Elias.

“This is what I found,” ani Ellen na ang tinutukoy ay ang video ng apat na taong gulang ng anak na isa-isang ipinaliliwanag ang hawak niyang toy gun.

Si Elias ang anak ni Ellen kay John Lloyd Cruz.

Ayon sa kuwento ni Ellen, nais daw magkaroon ng sariling YouTube channel ang anak.

Sa murang edad nito, gusto ring maranasan ni Elias ang maging vlogger.

As for the netizens na nakapanood ng vlog na ‘yon, humanga sila kay Elias dahil marunong itong magsalita ng Tagalog, Ingles at Bisaya.

Mahusay rin ang pagpapaliwanag ng bagets sa bawat toy gun na hawak niya.

Nagkakaisa ang mga netizens na marapat lang daw magkaroon ng sariling YT channel si Elias na tiyak tatangkilikin.

Pero ang curious na tanong ng mga netizens ay kung aware daw ba si Elias na may kinikita sa vlogging?

Altgough it’s ideal for kids to learn the value of money ay hindi muna ito ang dapat ma-instill sa isip ni Elias.

Let him exercise his right to play at i-enjoy ang mga karapatan ng mga bata.

Sabi nga ng mga netizens, it’s enough that Elias enjoys vlogging na para rin siyang naglalaro and at the same time he enjoys being watched while playing.

For his age nga naman, ano ang alam niya sa monetary benefits o financial perks ng vlogging?

Born to wealthy parents, kung tutuusin ay hindi na kailangang pagkakitaan ni Elias ang vlogging.

Pero at least, ngayon pa lang ay alam na ng bagets what he wants to be when he grows up. Ronnie Carrasco III