Eliminasyon ng ‘Pistahan sa Mega 5-cock derby’ naikasa

Eliminasyon ng ‘Pistahan sa Mega 5-cock derby’ naikasa

April 4, 2022 @ 11:40 AM 3 months ago


MANILA, Philippines – Kasado na ang 2-cock eliminasyon sa iba-ibang lalawigan at lungsod sa labas ng Metro Manila sa pangununga ng Batangas (Fred Katigbak), Bicol (Jhan Gloria), Zamboanga City (Manny Dalipe & Bobby Fernandez), Baguio/Benguet (Tonyboy Tabora), Pangasinan (Osmundo Lambino), Nueva Ecija (Roel Facundo) at Bulacan (Jaime Escoto & Nicholas dela Cruz).

Ang “Pistahan sa Mega 5-Cock Derby” ay gaganapin sa Roligon Mega Cockpit sa Parañaque City simula Abril 21 hanggang sa Mayo 23.

Handog ni Ka Lando Luzong & Friends at ng Thunderbird – the winning formula –bilang natatanging sponsor, P3 milyon ang garantisadong premyo ng “Pistahan” kung saan ang entry fee at minimum bet ay parehong P4,400 lamang. Nakalaan ang P1.7M championship prize.

Ang mga eliminasyon sa Roligon sa Abril 21, 25 at 28 gayundin sa Mayo 2, 5, 12, 16 at 19 ay may nakatayang P100,000 Day Champion Prize at 32’ TV set at Thunderbird Powervet products sa fastest winner sa ikalawang laban.

Nadagdag sa listahan ng mga siguradong kalahok sa “Pistahan” sina Sherwin Aquino, Roman Empire 1 & 2; Ferdie Frigillana, JJ Rabena Tacla, Fairfax VA, Arnoll Danielle Manalo, Johnro Salazar RS Buhawi, Ronald Aquino, James Jamul, Teodoro Cortez, Atty. Rey Directo at iba pa.

Para sa pagpapareserba ng slots at iba pang detalye, maa-aring makipag-ugnayan sa Roligon Mega Cockpit na may telepono blg. 02-519-7345; gayundin kay Shirley (0920-9509090) o Tiling (0926-7134069). Ma-aari rin magpalista sa Messenger ng Roligon Mega Cockpit FB Page.