Elizabeth Oropesa, may kontribusyon sa panahon ng pandemya!

Elizabeth Oropesa, may kontribusyon sa panahon ng pandemya!

October 18, 2020 @ 9:53 AM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines- Walang gustong maalala ang taong 2020, taon ng pandemya dahil sa corona virus.

Pero dapat natin itong alalahanin sa puntong sinubok talaga ang buong mundo.

Paano alalahanin? Gumawa ng pelikula! Tungkol sa pandemya ang ‘ECQ Diary (Bawal Lumabas)’ na pinagbibidahan nina Ms. Elizabeth Oropesa at Ms. Daria Ramirez. Nasa panulat ito at direksiyon ng mamamahayag turned filmmaker na si Arlyn Dela Cruz-Bernal.

Simple lang ang kwento ng ‘ECQ Diary’ pero tagos sa puso.

Anyway, si Oropesa ang producer ng pelikula. Buhos ang suporta ni La Oro bilang aktres at producer.

Ang suporta ay hindi lang para kay Direk Arlyn kung hindi sa iba pang manggagawa sa industriya ng pelikula.

Ang galing ni La Oro, ano?

Balita namin, submitted sa isang upcoming film festival ang ‘ECQ Diary.’ JP Ignacio


  •  
  •  
  •  

Loading...