Ella, nakahanap ng kakampi kay Sen. Imee!

Ella, nakahanap ng kakampi kay Sen. Imee!

July 12, 2022 @ 7:45 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Sa kabila ng kaliwa’t kanang pambabatikos na natatanggap ni Ella Cruz, mukhang nakahanap ang young actress/dancer ng kakampi.

Mapapanood sa Vincentiments page ang episode 1 ng “History is like Tsismis” series starring Senator Imee Marcos and Ella written and directed by Darryl Yap.

Ito na ang inaabangan na explanation ng lahat tungkol sa “History is like tsismis” ni Ella.

Inumpisahan nila ito sa pagtatanong ni Ella kay Sen. Imee kung mali nga ba ang sinabi niya.

“Sen, mali po ba ‘yung sinabi ko na History is like tsismis?” tanong ni Ella.

“Hindi ko naman sinabi na History is tsimis,” dagdag pa nito.

“Diyan na lang sila nag-focus, hindi na sa paliwanag.”

Mukhang kuhang kuha naman ni Cruz ang panig ni Imee dahil ang sagot ng senador sa kaniya: “Napanood ko ‘yung interview mo, eh. I agree. History is tsismis with methodology, analysis, and proof.”

Bukod dito, they even quoted some poet and writers kabilang na si Oscar Wilde who said, “History is merely gossip”, Elbert Hubbard who also said, “History is gossip well told”, and Gore Vidal who also said, “History is nothing but gossip about the past with the hope that it might be true”.

Sa huli, nabanggit din ng dalawa ang “batas kontra tsimosa” at may pang-aasar pa kay Ella tungkol sa mapapangasawa nito.

Will this episode of a series be enough para maintindihan ng netizens ang hugot ni Ella sa naging pahayag nito at tumigil na ang bashers? O mas lalo lang siyang ma-bash?

Hmmm. Paula Jonabelle Ignacio