Ella, nasaktan kay Pokwang; Xian, may sawsaw na naman!

Ella, nasaktan kay Pokwang; Xian, may sawsaw na naman!

July 24, 2022 @ 10:37 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Tingin ng mga netizen sa social media personality na si Xian Gaza, para siyang bawang.

At bakit?

Paano kasi, kung ang bawang ay nakasahog sa bawat lutuin, si Xian naman ay sumasahog sa bawat isyu, ke may kaugnayan man siya o wala.

Ang latest, umeeksena na naman si Xian sa isyu kung saan involved si Ella Cruz.

Naging kontrobersyal si Ella of late dahil sa kanyang “history is like tsismis” line.

Sa interbyu ni Boy Abunda para sa YouTube channel nito, naging emosyonal si Ella.

Inamin niyang nasaktan siya sa reaksyon ni Pokwang to think na malapit pa mandin siya rito.

Ani Ella, sana’y nag-no comment na lang ito.

Kabaligtaran ito ng hugot niya sa tinuran ni Agot Isidro na nirespeto pa rin daw ang kanyang pananaw.

So, where is Xian in the middle of this?

Sa comment section ay sinabi ni Xian na siya ang sinaktan ni Ella.

Basta na lang daw siyang binlock nito at ginhost nang wala man lang paliwanag.

Minsan nang inamin ni Xian na hindi niya naging nobya si Ella pero close daw sila.

Kung ganu’n, anong “nasaktan” ang sinasabi niya, eh, wala naman pala silang nakaraan?!

Haist! Ronnie Carrasco III