Ella, pumalag sa bashers, ipinagtanggol ang pamilya!

Ella, pumalag sa bashers, ipinagtanggol ang pamilya!

July 8, 2022 @ 10:48 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Finally, after days of being bashed, binasag na ni Ella Cruz ang katahimikan nito. Hindi para ipagtanggol ang sarili kundi ang pamilya nito.

“Bash me all you want pero ‘wag niyong idadamay pamilya ko. Have a little humanity, please,” paglalabas ng sama ng loob ni Ella sa kaniyang FB post kung saan makikita ang screenshot ng pamba-bash sa ama nito.

Ella called-out netizens sa kanyang page na umabot na sa 17.1k reacts, almost 4k comments, at 1.1k shares.

“Kaya hindi umabot ng isang libo ang bumoto sa ‘yo kasi ang turo mo ‘wag masyado matalino sa school,” bahagi ng komento ng isang netizen tungkol sa pagkatalo ng tatay ni Ella sa election.

Ito ang unang pagkakataon na nagsalita ang aktres/dancer simula nang pumutok ang issue dahil sa “History is like tsismis” statement nito.

Samatala, kinuyog na naman ng bashers si Ella sa comments section. Karamihan sa komento ay nagsasabing “Have a little humanity pero disregard ‘yung Marcos Regime at Martial Law” at “Have a little humanity coming from deniers of Martial Law abuse?”

May mga nagtanggol din naman kagaya ng mga nagki-claim na sila ay Ellamazing at hindi magsasawang ipagtanggol si Ella.

Kayo, ano masasabi niyo dito? Paula Jonabelle Ignacio