Ellen Adarna, ipinasilip sa publiko si Elias

Ellen Adarna, ipinasilip sa publiko si Elias

October 11, 2018 @ 11:49 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Mag-iisang taon na nang lumayo sa showbiz ang magkasintahang Ellen Adarna at John Lloyd Cruz.

Kahit na pinili ng dalawa na itago sa publiko ang larawan ng kanilang bagong silang na anak, Elias Modesto, hindi pa rin mapigilan ang mga fans na maging updated sa mga ganap sa buhay ng kanilang mga idolo.

Nitong Martes, October 9, nag-post ang isang Instagram account @ellen_johnlloyd sa Instagram Stories nito ng latest post ni Ellen.

Makikita rito ang litrato ng kamay na nakahawak sa kamay ng kamay ng sanggol at may caption na, “It’s a wild world but I get to hold your hand.”

Ito ang unang post ni Ellen kung saan tila ipinahahayag niya ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang anak na si Elias.

Matatandaan na nito ring October 1, nag-post naman si John Lloyd ng maiksing tula upang ibahagi ang kaniyang damdamin bilang ama./Remate News Team

Read: John Lloyd, idinaan sa tula ang pagmamahal kay Elias