Ellen Adarna, kumpirmadong nanganak na!

Ellen Adarna, kumpirmadong nanganak na!

July 9, 2018 @ 6:49 PM 4 years ago


Kinumpirma na nga na nanganak na ang sexy actress na si Ellen Adarna sa panganay nila ng batikang actor at rumored boyfriend na si John Lloyd Cruz.

At sa kampo pa mismo ni Ellen ito nanggaling matapos na napaamin na ang abogado nito na si Atty. Rebo Saguisag, sa gitna ng paratang ng complainant sa kasong child abuse at cybercrime complaints na kinakaharap ni Adarna, na delaying tactics lamang nila ang mga hindi pagharap sa mga pagdinig sa Pasig City Prosecutor’s Office.

Ayon sa abogado, dalawang araw matapos ang dapat sana’y pangalawang hearing noong June 25 ay nagsilang na ang 30-year-old actress.

“Talaga namang wala kaming dahilan… Sinasabi nila, delay. Maybe delay, for her (Ellen) to be able to have a safe delivery. And in due time… Mahirap i-biyahe, e. It’s a matter of days pa lang, e,” saad ni Saguisag.

Nauna rito, pinayuhan na ng doctor si Ellen na huwag munang bumiyahe dahil maselan ang pagbubuntis nito.

Matatandaan na tanging si Lloydie lang ang nakikita sa hearing ng sexy actress na kinasuhan ng ina ng 17-anyos na dalagita na pinaratangan ni Adarna na paparazzi dahil daw sa sikretong pagkuha ng video at larawan sa kanila ni Cruz.

At noong July 2 ay naglabas pa ng pahayag si Lloydie para pabulaanan ang balitang buntis si Ellen. (Remate News Team)