Ellen at Derek, nagpakasal uli!

Ellen at Derek, nagpakasal uli!

November 14, 2022 @ 11:49 AM 3 weeks ago


Lima, Peru – Idea ni Ellen Adarna to spend their first wedding anniversary with Derek Ramsay in Peru.

Nasa itinerary rin nila ang Bolivia.

Supposedly ay sosorpresahin ni Ellen ang asawa by not telling him their destination.

Pero makulit si Derek na panay ang tanong kung ano ang mga ieempakeng damit.

Kung malamig nga naman ang klima’y magbabaon si Derek ng makakapal na kasuotan.

Sa kakukulit kay Ellen, walang ibang choice ang Cebuana actress kundi ipagtagtapat where they were headed to.

Nitong November 11, masayang ipinost ni Ellen sa kanyang Instagram account na: “We got married again!”

Sa Peru naganap ang kasalan, the ceremony of which ay ipinost din ni Ellen.

Umani ito ng maraming congratulatory messages mula sa mga kapwa artista.

Bongga rin ang mga comments ng mga netizens, suggesting na sana raw sa mga susunod na bansang pupuntahan nila’y magpakasal uli sila!

Matatandaang ikinasal sina Ellen at Derek noong November 2021 sa Bagac, Bataan.

In attendance were Ellen’s mom and Derek’s parents.

So since ang next stop ng couple ay Bolivia, matik na bang magkakaroon ng Bolivian wedding? Ronnie Carrasco III