Ellen, bet magkaanak sa 2024!

Ellen, bet magkaanak sa 2024!

August 26, 2022 @ 8:00 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Nangunguna sa list of priorities ni Ellen Adarna ang pagtanggal ng kanyang IUD O intrauterine device.

Desidido na raw kasi ang Cebuana actress to get pregnant sa kanyang kabiyak na si Derek Ramsay.

Nagpalagay daw siya ng IUD matapos ipanganak si Elias, her son by former partner John Lloyd Cruz.

Mukhang intertwined ang mga plano ni Ellen, both in her career and personal life.

Lie low na kasi siya sa showbiz to give more time para kay Elias at masundan na ito.

Pero target niya ang taong 2024 bilang taon ng kanyang panganganak.

Interestingly, she and Derek were born in the Year of the Dragon.

Ang 2024 ay taon ng mythical creature. Aniya, “In Chinese, if there are three people in the house who were born in the Year of the Dragon, suwerte!”

Samantala, ipinauubaya na ni Ellen kay Derek ang tungkulin nito bilang ama  ni Elias.

In fact, Elias addresses the Fil-British actor as Papa D.

Aminado si Ellen that as mom to Elias, hanggang nurturing at pagpapaligo lang ang kaya niyang gawin.

“But when it comes to playtime, hindi ko kaya. Kung babae ang naging anak ko, madali. I’ll make her up, dress her up, ganu’n. So I’m leaving it to Derek,” sabi ni Ellen. Ronnie Carrasco III