Ellen, bet nang magkaanak, stop na sa toma!

Ellen, bet nang magkaanak, stop na sa toma!

September 6, 2022 @ 7:20 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Malaki talaga ang nagagawa ng pagiging may asawa na as far as life goals are concerned.

Ang dating pa-party-party lang ay mas gusto nang nasa bahay lang.

Ang dati ring parang mauubusan ng tutunggaing alak ay patikim-tikim na lang.

Ganito ang malaking ipinagbago ngayon ni Ellen Adarna whose top priority ay masundan si Elias by her husband Derek Ramsay.

“Sa tantya ko, this year nakadalawang beses lang ako uminom,” pag-amin ng noo’y lasengga raw na aktres.

Palibhasa raw kasi’y wala pa siyang pamilya noon.

But things have changed. At ‘yun daw ay dahil sa kagustuhan niyang magkaroon ng anak.

Ellen knows well enough na as much as possible, iwas-alak ang mga babaeng manginginom na gustong mag-anak.

Kasabay nito’y ang aniya’y pagtalikod na niya sa showbiz.

Nasasabi lang ni Ellen ‘yan dahil kahit mabuhay pa siya nang ten lifetimes ay never siyang maghihirap.

“No, on the contrary I only buy what I need, not what I want,” pagkontra niya sa public perception na well-off naman kasi siya kaya okey lang na hayahay siya for as long as she wants. Ronnie Carrasco III