Ellen, kinunan si Derek habang nagsa-shower, na-bash!

Ellen, kinunan si Derek habang nagsa-shower, na-bash!

January 31, 2022 @ 8:56 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Different folks, different strokes.

Ito ang nagdudumilat na katotohanan tungkol sa iba’t ibang ugali ng tao.

Sabi nga, no two people are alike.

Classic example ang ginawang pagsupalpal ni Ellen Adarna sa isang netizen na nagkomento tungkol sa ipinost niyang maikling video clip sa Instagram,

Makikitang kinukunan ni Ellen ang asawang si Derek Ramsay habang naliligo sa enclosed shower room. Nakatalikod ito pero hindi nahagip sa camera ang butt o puwet ng Fil-British actor.

Dinig na dinig naman sa background ang walang patlang na tawa ni Ellen sabay sabi ng, “So sexy!”

As far as one netizen is concerned, hindi na raw dapat ipino-post ni Ellen ang mga bagay which should better remain private.

Siyempre, ikinapanting ‘yon ng tenga ni Ellen who retaliated: “Our life, our rules, our IG!”

Kamakailan, binara rin ni Ellen ang isang netizen na nagtanong kung meron ba silang pre-nuptial agreement ni Derek.

Ellen said it simply: hindi raw sila lugi ni Derek sa isa’t isa.

Public knowledge na mula sa well-off ang respective families nina Ellen at Derek. Ronnie Carrasco III