Ellen, limitado ang galawan sa kusina!

Ellen, limitado ang galawan sa kusina!

December 13, 2022 @ 9:30 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Ang pagiging bitchy yet straightforward daw ng asawang si Ellen Adarna ang isa sa mga endearing qualities nito as far as Derek Ramsay.

Ang tipo raw ng Cebuana actress ay ie-express nito ang kanyang sasabihin kesehodang may masasagasaan ito.

Derek would rather have Ellen’s type kesa naman nakikisama siya sa isang taong hindi totoo sa sarili.

Bet din ng semi-retired Fil-British actor ang pagiging child at heart ni Ellen.

Katulad na lang ng laging pagpa-prank nito sa kanya.

The latest of which nga ay ang in-upload ni video ni Ellen doing a supposedly soothing head massage on Derek.

Nakaposisyon ang ulo ni Derek sa lap ni Ellen sa kama.

Both were in their house clothes. Topless si Derek pero nakasuot ng mahabang shorts.

Ang siste, hindi akalain ni Derek na pagtitripan siya ng misis.

Pinakitaan niya ito ng laruang bubuwit na ikinabalikwas ni Derek na halatang gulat na gulat.

Wari’y nang-iinis pa si Ellen na tawa nang tawa.

Naitanong naman si Ellen kung ipinagluluto niya si Derek.

May kasabihan nga naman, “The way to a man’s heart is through his stomach.”

Sagot ni Ellen, hindi raw madalas.

Not because Derek doesn’t trust her cooking skills.

Limitado pala ang galawan ni Ellen sa kusina sa bahay ni Derek.

Ayaw na ayaw raw nitong nagagasgasan ang mamahalin at imported pang kitchenware nito.

Sa katunayan daw, nakatabi ang maraming kagamitan sa kusina sa cabinet.

Talaga raw obsessive si Derek sa mga iniingatan niyang gamit na ayaw niyang magagasgasan. Ronnie Carrasco III