Ellen sa pre-nup issue nila ni Derek: It’s a tie

Ellen sa pre-nup issue nila ni Derek: It’s a tie

January 25, 2022 @ 9:50 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Para kay Ellen Adarna, personal ang tanungin tungkol sa pre-nuptial agreement o kasunduan ng dalawang tao bago ikasal.

Gayunpaman, sinagot na rin niya ang pag-uusisa ng isang netizen sa kanyang Instagram Stories kung saan may bahagi na “Ask Me a Question.”

Tanong ng netizen, aware daw ba ito na kapwa galing sa well-off o nakakariwasang pamilya sina Ellen at Derek Ramsay.

A native of Cebu, ang pamilya ni Ellen ay engaged sa real estate business at may chain of hotels doon, Davao, Cagayan de Oro at Metro Manila.

Samantala, nasa security business naman ang ama ng Fil-British actor who can afford to lie low in showbiz.

Diretsong sinagot ni Ellen ang netizen, na hinaluan niya ng Visayan dialect. Translated, aniya’y hindi raw lugi si Derek sa kanya kung paanong hindi rin siya lugi sa lalaking pinakasalan niya.

“Patas lang ang show!” ani Ellen na kung sa panahon ngayo’y “It’s a tie” ang ibig sabihin.

Bukod sa negosyo ng ama, marami ring naipundar na marangyang bahay si Derek sa mga exclusive subdivision.

Ang kanyang tahanan sa Ayala Alabang ang naging saksi sa unang pagtatagpo at pagmamabutihan nila ni Ellen noong isang taon.

‘Di nagtagal, naging opisyal silang magkasintahan hanggang sa ikinasal sa isang mountain resort sa Bagac, Bataan in November last year. Ronnie Carrasco III