Ellen, sinabuyan ng tubig si Derek, napikon!

Ellen, sinabuyan ng tubig si Derek, napikon!

November 12, 2022 @ 11:55 AM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Parang mga batang paslit ang mag-asawang Ellen Adarna at Derek Ramsay habang nagbakakasyon sa Peru.

Ibinahagi ng couple ang video ng kanilang asaran.

May dayalog kasi si Ellen na: “Somebody (please) close the door, papasok ang mga lamok!”

Parehong ayaw magpatinag ang dalawa as in neither of them stood up.

Ang ending: para maresolba ang isyu ay nag-jack en poy sila.

Panalo si Derek who scored twice.

Walang choice si Ellen kundi tumayo.

Bale ba, nakababad sa warm water ang kanyang mga paa.

Nagmaktol tuloy si Ellen na hindi matanggap ang kanyang pagkatalo.

Imagine nga naman, siya itong nag-utos, ‘yun naman pala’y siya rin ang susunod sa sariling utos!

Nag-temper tantrums tuloy si Ellen.

Umahon siya sa tubig kung saan nakababad ang mga paa niya at winisik niya ang mga ito sa mukha mismo ni Derek!

Cariño brutal ba ang tawag du’n? Well, that’s how sweet Ellen and Derek are to each other.

Inggit much kayo? Ronnie Carrasco III